BPSO, Nag-ocular Inspection sa mga Informal Settlers

Noong April 12, nag-ocular inspection ng mga informal settler sa dike at dating kinatatayuan ng daaanan ng PNR si BPSO Chief, Ret. Col. Leonardo Solomon, kasama si Barangay Captain Ricky Penuliar ng Brgy. Dusoc at paglaon ay mga Punong Barangay ng Brgy. Darawey, Pangdel, Carungay, Reynado, Malioer, at Caturay.

May pitong ongoing na ilegal na konstruksyon ng kabahayan ang natagpuang nang walang kinakaukulang building permit, kaya’t ang mga residente ay inabisuhang itigil ito.

Ayon sa batas, bawal manirahan at magpatayo ng bahay sa dike area na sakop ng 20-meter easement zone ng lokal na pamahalaan.