Livelihood Package and Housing Assistance, Ipinamahagi ng LGU sa “Survival Cases” ng DSWD

Noong ika-3 ng Abril, ipinamahagi ng LGU ang livelihood package and housing assistance nito sa anim na kaso ng “survival case” households ayon sa listahan ng DSWD-Region I, sa isang maikling turnover ceremony sa Balon Bayambang Events Center.

Ang assistance package ay nagkakahalaga ng P15,000. Ang P10,000 ay kabuuang halaga ng lahat ng items na ipinamahagi, at may P5,000 cash naman para sa karagdagang assistance. Mayroon ding karagdagang P37,290 para sa housing materials base sa request ng ilang benepisyaryo.

Base sa 2021 Social Welfare and Development Indicator (SWDI) results, isang tool upang mamonitor ang isang household beneficiary sa aspeto ng well-being, naitala na may anim na households na lamang ang napabilang sa “survival cases” sa bayan ng Bayambang, at ang bilang na ito ang pinakamababa sa buong Rehiyon Uno.

Ilan sa mga naipamahagi ay ang ambulant vegetable vending package with tribike na naibigay sa benepisyaryo mula sa Brgy. Bani, sari-sari store grocery packages naman para sa benepisyaryo na taga-Brgy. Ambayat 2nd at Brgy. Reynado, junkshop materials with groceries and tribike naman para sa taga-Brgy. San Vicente, food cart/streetfood materials with tribike para naman sa taga-Brgy. Amancosiling Norte, at sacks of rice and materials for rice retailing naman para sa taga-Brgy. Sanlibo.

Isinama na rin bilang isa sa mga benepisyaryo ang dating 4Ps mula sa Buenlag 1st na nakatanggap din ng ambulant vegetable vending package with tribike.

Ang assistance na ito ay naglalayong maiangat ang antas ng pamumuhay ng bawat benepisyaryo mula sa survival level na kinabibilangan ng mga poorest of the 4Ps na hindi kayang tugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan patungong self-sufficient, kung saan kaya nang suportahan ang pangangailangan ng bawat miyembro ng sambahayan.