LGU Quality Auditors, Naging Observer sa ISO Audit ng Alaminos City

Noong April 4, nagtungo ang Internal Quality Auditors ng LGU-Bayambang sa City Hall ng Alaminos City, Pangasinan, upang makibahagi bilang observer sa ginanap na ISO audit ng naturang siyudad, na pinamamahalaan ni Mayor Arth Bryan Celeste.

 

Ito ay parte ng pagnanais ng administrasyong Quiambao-Sabangan 2.0 na magkaroon din ng katulad na lebel ng kalidad ng serbisyo publiko na inihahatid ng Pamahalaang Lungsod ng Alaminos ayon sa ISO 9001:2015.

 

Ang pagbisita na pinangunahan ni Chief Executive Assistant at Chief Quality Auditor Ma. Carmela Atienza-Santillan at ICTO head Ricky Bulalakaw ay bahagi ng isinasagawang paghahanda para sa nalalapit na ISO certification audit ng LGU-Bayambang.

 

(Photos from Alaminos CIO page)