Local Housing Board, Nagpulong ukol sa Paglobo ng Bilang ng Informal Settlers sa mga No-Build Zones

Bilang pagtugon sa pagdami ng bilang ng mga informal settlers sa bayan, nagsagawa ng pagpupulong ang mga miyembro ng Local Housing Board ngayong araw, ika-25 ng Abril, sa Mayor’s Conference Room, sa pangunguna ni OIC Municipal Planning and Development Coordinator at Local Housing Board Chairperson Ma-lene S. Torio, para pag-usapan ang sitwasyon ng mga informal settlers na naninirahan sa Military Reservation Area at dike.

 

Ang pagpupulong ay dinaluhan ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad bilang kinatawan ni Mayor Niña Jose-Quiambao. Naroon din sina Sangguniang Bayan Committee Chairman on Housing and Land Use, Councilor Gerry Flores; Municipal Legal Officer, Atty. Bayani Brillante Jr.; PNP-Bayambang OIC Chief, PLtCol. Rommel Bagsic; mga kinatawan ng CENPELCO at BayWad, at mga concerned LGU department head at mga Punong Barangay sa ilalim ni Liga ng mga Barangay President Rodelito Bautista.

 

Tinalakay ang mga posibleng maging aksyon upang matulungang maisaayos ang suliranin ukol sa mga nakatayong kabahayan sa mga lupaing bawal na pagpatayuan ng tirahan ayon sa batas.

 

Upang magbigay ng kani-kanilang suhestiyon sa naturang suliranin, naimbitahan din sa pulong ang mga representative ng Department of Public Works and Highways-District Engineering Office IV, Engr. John A. Liwanag at Engr. Engr. Edgardo C. Calingasin; Philippine National Railways (PNR) representative, Atty. Dagiw-a K. Cudalap; Pangasinan Housing and Urban Development Office (PHUDCO) representative, Engr. Alvin L. Bigay; at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) representative Arnold Tangalan.