Noong April 27, sa DA-Pangasinan Research Experiment Center, Sta. Barbara, ay ginanap ang Ceremonial Awarding of Certificate na dinaluhan ng ating OIC-Municipal Agriculturist Zyra Orpiano, former OIC-MA Artemio Buezon, at Municipal Rice Coordinator Jordan Junio kasama ang Farmers’ Association President ng Brgy. Bani at Brgy. Duera na nakakuha ng isang water pump at engine set na sa kabuuan ay nagkakahalaga ng P93,000.
Inaward din ang Certificate ng ating rice hybrid allocation for 4,322 hectares na nagkakahalaga ng P20,745,600 at nakatakdang hakutin sa 2nd week hangang 3rd week ng Mayo nitong taong 2023.
Ang mga ito ay naging posible dahil sa pagpupunyagi ng ating Congresswoman Rachel ‘Baby’ Arenas kasama si Mayor Niña Jose-Quiambao.