Bumisita noong March 2, ang mga PDAO Officers ng Provincial Social Welfare and Development Office kasama ang Provincial PWD Focal Person na si Ms. Jennifer Garcia at PDAO Federation President, Mr. Eon Mendoza.
Sa nasabing meeting, naroon ang mga miyembro ng PWD Association Council ng Bayambang, MSWD Officer Kimberly Basco, at Ms. Alta Grace Evangelista ng MSWDO.
Tinalakay sa 1st Quarter Meeting na ito ang pagbuo ng PWD Association sa bawat barangay at profiling activity.
Isa rin sa tinalakay ang mga concern ng mga PWD na magkaroon ng 1% share sa budget ng bawat barangay para mabigyan sila ng importansiya.
Napag-usapan din ang pagdaraos ng General Assembly ng mga PWDs sa darating na Abril.