Little Mr. and Ms. Bayambang Candidates, Nagtagisan sa Talent Portion

Noong March 11, nagtagisan ng galing ang mga tsikiting sa Talent Portion ng Little Mr. and Ms. Bayambang sa Events Center.

Sa event na ito na inorganisa ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, napuno ng hiyawan at tawanan ang venue dahil sa nakakaaliw na talento ng mga sumaling tsikiting.

 

Dito ay naging hurado sina UP College Law professor, Atty. Ma. Golda Gigi G. Miñoza, na siyang tumayong Chairperson ng Board of Judges, BIR Alaminos City officer Aira Mae G. de Vera, Matalunggaring Dance Troupe Director Jordan Neri, Bb. Bayambang 2021 Jan Rlee de Guzman, at Municipal Legal Officer, Atty. Bayani B. Brillante Jr.

 

Ang mga nagwagi ay malalaman sa araw ng pageant sa darating na fiesta week.