Bayambang, Nag-host ng 1Q Meeting ng Pangasinan KALIPI Federation

Noong  ika-7 ng Marso, napili ang Bayambang bilang host ng 1st Quarter Meeting ng Federation of Kalipunan ng Liping Pilipina, Inc. (KALIPI) Pangasinan Chapter na ginanap sa Niñas Café.

 

Ito ay inorganisa ng naturang pederasyon sa ilalim ng president nito na si Gng. Jocelyn S. Espejo at dinaluhan ng KALIPI Presidents, Focal Persons at representatives mula sa iba’t ibang munisipalidad ng Pangasinan.

 

Tinalakay sa pulong ang ukol sa submission of statistical data and updated list of members ng KALIPI City/Municipal Chapter, Provincial President’s Hour, at siyempre ang paglatag ng iba’t ibang plano at aktibidad na isinasagawa ng bawat presidente sa bayang kanilang nasasakupan lalo na sa paggunita ng National Women’s Month 2023.