Taos-pusong pasasalamat ang laman ng mga sulat na natanggap ng Mayor’s Action Center sa ilalim ni Gng. Jocelyn Espejo kamakailan mula sa pamilya ng dalawang batang nabigyan ng libreng operasyon sa puso.
Ang mga batang ito ay sina Gabriel Velasco, na 7 taong gulang mula sa Brgy. Mangayao, at Zayn Kaizer Sanchez, na 4 taong gulang mula naman sa Brgy. Tococ West.
Sumulat ang kanilang mga magulang upang iparating kina Mayor Niña Jose-Quiambao at SATOM, Dr. Cezar Quiambao, pati na rin sa MAC Office at KKSBFI at Niña Cares Foundation, ang kanilang labis na kagalakan at pasasalamat sa kanila, hindi lamang dahil sa naipagamot na ang kanilang mga anak kundi dahil na rin sa wala silang ginastos para rito.