Mga BNS, Inorient sa Pinahusay na RCBMS at Document Management System

Upang tuluy-tuloy na makakuha ng updated na datos ukol sa mga pamilya sa Bayambang, nag-orient ang ICTO at ang MNAO noong Marso 13, 2023 sa mga Barangay Nutrition Scholars tungkol sa Restructured Community-Based Monitoring System o RCBMS.

 

Ang RCBMS ay isang system na binili ng LGU nuong 2018 at ngayon ay pinaghuhusay pa ng ICTO upang mapalabas ang mga report na kailangan ng mga LGU departments at units para sa planning, programming, budgeting at monitoring ng mga development initiatives.

 

Kasama sa napag-usapan ay ang paggamit ng mga barangay ng Document Management System o DMS upang madaling makapagpadala ang mga barangay ng kanilang mga opisyal na komunikasyon papunta sa LGU departments at sa mga kapit-barangay.

 

Pinangunahan naman ni G. Kim Manoguid ang demonstrasyon sa paggamit sa RCBMS, kasama ng pag-update ng mga data ng mga taga-Bayambang. Kasunod nito ay ang pag-register ng mga BNS sa RCBMS.

 

Sa sumunod na araw, ang mga BNS ay nagsimula agad na mag-update ng mga datos ng kanilang mga barangay. Ang mga BNS ay tutulungan din ng iba pang mga kasama sa barangay upang lalong mapabilis ang pag-update ng mga datos ng RCBMS.

 

Ang RCBMS ay magiging central database ng mga taga-Bayambang, na mangangahulugang lahat ng applications ng Bayambang upang magbigay-serbisyo ay magiging connected sa system na ito.