KSB Year 6, Dinala sa Macayocayo

Noong ika-3 ng Marso, dinala naman sa Macayocayo ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year VI na ginanap sa Macayocayo Elementary School.

Dito ay naihatid ang mga libreng serbisyo na ipinaliwanag ni Dr. Roland Agbuya gaya ng medical at dental services, bakuna para sa mga hayop, pamimigay ng seedlings at vitamins para sa mga bata.

 

Handog din ang iba pang serbisyo gaya ng pagpaparehistro para sa mga delayed registration of birth, pagpaparenew ng Community Service Card, pagrenew ng business permit at iba pang mga serbisyo na nais ng mga residente ng Brgy. Beleng, Macayocayo at Balaybuaya na may kinalaman sa MAC, Assessor, PNP, MSWDO, LCR at iba pa.

 

Masaya namang tinanggap at sinalubong nina Macayocayo Brgy. Captain Mario G. Cariño at Lorena Belfin bilang kinatawan ng Macayocayo ES Principal ang buong KSB Team, kasama rin ang ibang health workers at Macayocayo ES Teachers.

 

Ito ay dinaluhan ni Vice-Mayor Ian Camille Sabangan upang magbigay ng mensahe. Naroon din sina Coun. Martin Terrado II, Coun. Gerardo Flores, Coun. Amory Junio at Coun. Philip Dumalanta, KKSBFI Chief Operations Officer Romyl Junio, Dr. Paz Vallo at Dr. Adrienne Estrada.

 

Sa AVP naman ni Mayor Niña Jose-Quiambao, ipinayo niya na huwag sayangin ang opportunity ng KSB at huwag kalimutang panatilihing malinis at maganda ang ating kapaligiran. Pinaalala din niya na huwag kalilimutang magbayad ng buwis sapagkat ang disiplinadong mamamayan ay kailangan upang umunlad ang ating bayan.Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 6, Dinala sa Macayocayo