Matapos ang evaluation ng Bali-Balin Bayambang team para sa buwan ng Pebrero 2023, nagwagi ang Brgy. Inirangan bilang pinakamalinis na barangay sa bayan ng Bayambang, anunsyo ni Municipal Environment and Natural Resources Officer Joseph Anthony F. Quinto noong March 20.
Bilang ganti sa kanilang pagpupursige sa pamumuno ni Punong Barangay Jonathan Espejo, at sa suporta ng kabiyak nitong si Gng. Jocelyn S. Espejo, na siyang nagpasimuno ng beautification campaign sa barangay, ang Inirangan ay nakatanggap ng P25,000, na iniaward sa Balon Bayambang Events Center matapos ang flag ceremony.
Ang cash prize ay donasyon nina Special Assistant to the Mayor, Dr. Cezar T. Quiambao, at Mayor Niña Jose-Quiambao at ama nitong si G. Philip Jose.
Narito ang listahan ng mga nagwaging pinakamalinis na barangay kada distrito sa Bayambang para sa buwan ng Pebrero 2023:
District 1 – Ambayat 1st
District 2 – Manambong Parte
District 3 – Sancagulis
District 4 – Apalen
District 5 – Inirangan
District 6 – Tococ East
District 7 – Bani
District 8 – Buenlag 2nd
District 9 – Poblacion Sur
Grand Winner – Inirangan