Ipinatawag ng ESWMO ang mga opisyales ng 77 na barangay upang dumalo sa isang seminar ukol sa Republic Act (RA) 9003, na mas kilala bilang “Ecological Solid Waste Management Act of 2000.”
Ipinaliwanag sa seminar na ang RA 9003 ang naglalatag ng mga polisiya, mekanismo, at mandato sa mga LGU upang makamit ang 25% waste reduction sa pamamgitan ng pagtatatag ng isang integrated solid waste management plan na nakabase sa 3Rs: ang reduce, reuse at recycle.
Binigyang-diin sa seminar ang mandato sa mga barangay na iimplementa ang naturang batas sa kani-kanilang nasasakupan.
Naging resource speaker sina DENR Environmental Monitoring Officer Eroll Rayden U. Gan, Supervising Environmental Monitoring Supervisor Eduardo M. Angeles, Jr., at local Public Attorney’s Office Chief, Atty. Gle-cee Macaranas-Basco.