Noong March 1, bumisita ang mga opisyal ng CP Seeds mula sa Vietnam upang ipakilala ang sikat na corn variety sa bansang Vietnam. Nakipagpulong sa Niña’s Cafe sina G. Kasem Polperm at Chaicharoen Fengthamnimit ng CP Seeds, kasama sina Gabriel Villa Agustin at Ian Bernardino ng Charoen Pokphand Philippines kina former Mayor Cezar T. Quiambao, Bayambang Poverty Reduction Action Team, Municipal Agriculture Office, at Municipal Agriculture Consultants.
Kanilang ibinida ang corn seed variety na 501S na anila ay resistant sa fall armyworm at kayang magproduce ng 7-10 tonelada kada ektarya.
Ayon sa BRPAT, sila ay nakatakdang magtayo ng isang demo farm sa Bayambang sa buwan ng Marso ng tulad sa Isabela at Sta. Maria, Pangasinan.