DOT R1, Inassess ang Posibilidad ng isang Access Road Papuntang Prayer Park

 

Noong February 22, dumating ang Department of Tourism Region I at iba pang ahensya para mag-inspeksyon sa posibilidad ng pagkakaroon ng isang Access Road papuntang St. Vincent Ferrer Prayer Park mula sa bayan ng Urbiztondo at Mangatarem.

 

Ang inspecting team ay pinangunahan ni G. Reymundo Gesmundo na siyang Focal Person ng Tourism Road Infrastructure Project Prioritization Criteria (TRIPC) Projects ng Department of Tourism Regional Office I.

 

Kasama sa mga inspectors ang ibang staff ng DOT R1, DPWH R1, DPWH District Office at Provincial Tourism and Cultural Affairs Office. Ang mga bisita ay sinamahan ng staff ng MTICAO at BPRAT.