Nagpapasalamat ang MSWDO dahil naging instrumento ito upang mapagtagpong muli ang mga kaanak na nawalay sa kanilang pamilya sa tatlong magkakaibang insidente kamakailan.
Una ay ang pamilya ng ginang na si Resita D. Miranda, na nagngaling pa ng Masbate upang sunduin ang kanilang kaanak.
Ikalawa ay ang batang si Joana Dizo, na sinundo ng kanyang pamilya noong February 16 mula sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan.
Ikatlo ay ang lalaki na si Arlito Ferrer ng Brgy. Bical Sur, na natagpuan ng kanyang pamilya sa Brgy. Tampak 1, Guimba, Nueva Ecija.
Matapos irefer ang mga ito ng PNP, kinupkop ng MSWDO ang tatlo sa Abong na Aro habang hinahanap ng mga awtoridad ang kani-kanilang pamilya. (Si Miranda at Dizo ay may mental health problem, at si Ferrer naman ay isang PWD (deaf-mute). Malaking tulong din siyempre ang naging papel ng social media sa isinagawang paghahanap.
Matatandaang ang Abong na Aro o House of Love ay ipinatayo ni dating Bayambang First Lady Niña Jose-Quiambao noong December 20, 2018 sa Brgy. Wawa para sa mga insidenteng katulad nito na nangangailangan ng ibayong aruga at kalinga.