Sumailalim ang mga myembro ng Malioer OFW and Family Association sa Career Guidance Program Employment Facilitation nitong February 2 kung saan sila ay nag-training sa rug-making bilang paraan upang madagdagan ang kanilang kinikita.
Naging posible ang training na ito sa pakikipagtulungan ng Municipal Employment Services Office sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).