Noong Feb. 22, 2023, pinangunahan ni Mayor Niña Jose-Quiambao at former Vice-Mayor Raul Sabangan ang grand opening ng Rural Health Unit (RHU) VI sa Brgy. Mangayao sa District 8.
Ang bagong tayong pasilidad ay binasbasan ni St. Vincent Ferrer Parish Church rector, Fr. Reydentor Mejia, kasama ang mga Municipal Councilor at iba pang opisyal at mga empleyado ng LGU; Department of Health Assistant (DOH) Regional Director, Dr. Rodolfo Antonio Albornoz; Municipal Health Officer, Dra. Paz Vallo; Rural Health Physicians, Dr. Adrienne Estrada at Dr. Roland Agbuya; Bayambang District Hospital Chief, Dra. Athena Merrera; Mangayao Punong Barangay Romeo Junio; Kasama Kita sa Barangay Foundation Chief Operations Officer Romyl Junio; mga DOH representatives sa pangunguna ni Joanne Villanueva, iba pang barangay captains, at barangay council members, kabilang na ang mga Barangay Health Worker.
Ayon kay Dra. Vallo, ang lupang kinatatayuan ng RHU VI ay donasyon ni dating mayor, Dr. Cezar Quiambao. Ang RHU VI ay itinayo upang mailapit ang mga health services ng Munisipyo sa mga residente ng District 8.