Noong February 3, muling iginawad ng DILG sa bayan ng Bayambang ang isa na namang National Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Award matapos makatanggap ng 100% assessment score ang bayan sa 2021 ADAC Performance Audit ng ahensya.
Ang award ay tinanggap nina Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, Municipal Local Government Operations Officer Royolita Rosario, at Liga ng mga Barangay President Rodelito Bautista, sa isang seremonya sa Thunderbird Resort, San Fernando, La Union.
Ang Bayambang ay isa sa 27 na bayan sa Pangasinan na napabilang sa mga may High Functionality score sa ginanap na Anti-Drug Abuse Council Performance Audit sa taong 2021 para sa Region I. Ito ay naging posible sa pagtutulungan ng lahat ng miyembro ng MADAC sa pamumuno ni dating Mayor, Dr. Cezar T. Quiambao, at ngayon ni Mayor Niña J. Quiambao, sa pangunguna ng PNP-Bayambang, ang ating mga RHU, BPSO, MSWDO, at CSOs, at sa gabay ng DILG/MLGOO at sa walang sawang suporta ng Kasama Kita sa Barangay Foundation at Niña Cares Foundation.
Ang pagkilalang ito ay nagsisilbing ebidensya ng patuloy na paglaban ng administrasyon