MAO, Umasiste sa OPAG 4-H Club Coordinator

Noong February 9, umasiste ang Municipal Agriculture Office sa pagbisita ng coordinator ng 4-H Club mula sa Office of the Provincial Agriculturist sa Brgy. Buenlag 2nd. Ang ahensya ay nagprisenta sa mga kabataan dito ukol sa 4-H Club upang sila ay kumbinsihin na magtayo ng sariling 4-H Club, na naglalayong isulong sa mga kabataan na pasukin ang farming business.

 

Pagkatapos ng briefing ay sinamahan ni MAO Technician Jordan B. Junio ang 4-H Club Coordinator sa Brgy. Tambac at Brgy. Cadre Site upang magvalidate ng mga ongoing projects ng recent winners ng Young Farmers Challenge (YFC) ng Department of Agriculture Region 1: ang “Agri Integrated Farm” (Tambac) at ang “Odonata Food Hub” (Cadre Site).