Pre-Marriage Counseling, Inorganisa ng LCR at MSWDO

Ginanap noong January 31 ang Pre-Marriage Orientation and Counseling para sa mga mag-iisang dibdib sa nalalapit na Kasalang Bayan 2023. Nasa 50 couples na nakatakdang magpakasal ang dumalo sa aktibidad na ginanap sa Sangguniang Bayan Session Hall sa pag-oorganisa ng Local Civil Registry Office, katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office.

 

Naging speaker sa naturang PMOC sina Local Civil Registrar Ismael Malicdem, Jr., MSWD Officer Kimberly P. Basco, at Population Program Worker II Alta Grace Evangelista. Layunin nito na tulungan ang mga ikakasal na mapagtibay ang kanilang samahan bilang mag-asawa, maging responsableng magulang sa kanilang mga anak, at mapag-planuhang mabuti ang pamilyang kanilang bubuin.

 

Bukod pa rito, nasa 22 couples na edad 18-25 taong gulang naman ang sumailalim sa Pre-Marriage Counseling sa Balon Bayambang Events Center.