25 Pasyente, Naka-schedule for Free Optical Operation sa Tzu Chi Eye Center

Hindi pa natatapos ang Medical Mission 2023, sapagkat noong January 30, sinamahan ng mga Rural Health Unit ang 32 pasyente na nagpalista for eye operation sa Tzu Chi Eye Center sa Sta. Mesa, Manila, para sa laboratory, X-ray, at iba pang medical requirements bago maoperahan.

 

Sa 32 na pasyente, 25 ang nakatakda para sa libreng operasyon sa Pebrero 8: 3 para sa pterygium at 22 para sa cataract. Ang mga hindi napasama sa operasyon ay kinailangan pa na under observation at for follow-up matapos ang isang buwan.

 

Requirement din sa mga pasyente na maging fully vaccinated at updated ang PhilHealth account.

 

Iniscreen ang mga pasyente ni Dr. Antonio Say, isang opthalmologist, na siya ring Presidente ng Tzu Chi Medical Foundation. (Si G. Alfredo Li naman ang tumatayong CEO ng naturang Foundation.)

 

Naroon upang mag-assist sa mga pasyente sa Tzu Chi Eye Center sina Dra. Zita Yorro at Dr. Dionisio Yorro, kasama ang mga RHU nurses na sina Mark Darius P. Gragasin (RHU 1), Josephine Aquino (RHU 2) at Mira Joy Rebamontan (RHU 3).