Noong January 18, iprinisenta kay Mayor Niña Jose-Quiambao ang proposal ng grupo ni Architect Marie Denise Ursua Abella para sa renovation ng Municipal Plaza at parte ng Public Market. Plano ni Mayor Niña at ni Special Assistant to the Mayor (SATOM), Dr. Cezar Quiambao na mas pagandahin pa at gawing mas maaliwalas ang mga naturang pasilidad sa sentro ng bayan upang mas lalong pakinabangan at maipagmalaki ng mga Bayambangueño.
Ang pulong ay ginanap sa Mayor’s Conference Room.