Noong January 6, nakumpleto ng MDRRMO ang distribusyon ng mga early warning bells par sa lahat ng public schools sa Bayambang. Sa ngayon, ang lahat ng 77 barangays at 55 public schools sa elementarya at high schools ay may tig-isang 1 iron-brass bell maliban sa Bayambang National High School na mayroong tatlo.
Ang bawat iron-brass 9-inch bell ay magsisilbing isang early warning device para sa lahat ng barangay at paaralan sa oras ng sakuna.