Sabayang Pagtanim ng Gulayan, Isinagawa sa 77 Barangays

Alinsunod sa DILG Memorandum Circular 2023-001, sabay-sabay na gumawa ng tanimang gulayan ang 77 na barangay sa Bayambang ngayong araw, January 24, sa pagtutulungan ng Municipal Agriculture Office, Municipal Nutrition Action Office, at barangay councils, at sa gabay ng MLGOO.

 

Ang mandatory implementation ng Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay o HAPAG sa Barangay Project kada barangay ay naglalayong magkaroon ng sustainable nutritious food source ang lahat ng barangay at upang maging self-sufficient sa mapagkukunan ng pagkaing pang-araw-araw.