Noong December 7, muling tinipon ang mga opisyal at miyembro ng Bayambang Municipal Council for Culture and the Arts para ito ay mareconstitute o reorganize upang ipagpatuloy ang pagpapayabong ng sining at kultura cultural ng Bayambang.
Sa pangunguna ni Mayor Niña Jose-Quiambao, Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, current BMCCA Executive Director, Prof. Januario Cuchapin, at Tourism Office head, Dr. Rafael Limueco Saygo, nagkaroon ng inisyal na pagtalakay sa gaganaping annual town fiesta, na matatandaang ipinagpaliban ng tatlong taon dahil sa pandemya.