Mobile Assistance para sa Delayed Registration of Birth, Nag-umpisa Na

Nag-umpisa na ang Local Civil Registry Office sa pag-iikot sa mga barangay kasama ng Philipine Statistics Authority para magbigay ng libreng assistance sa mga kababayan nating na-delay sa pagpaparehistro ng kapanganakan ng kanilang kaanak o delayed registration of birth.

 

Ang pagbabara-barangay o mobile project na ito ay tinagurian ng ahensya na “Philsys Birth Registration Assistance Project.”

 

Noong mga nakaraang linggo, nagtungo ang LCR at Philsys sa Brgy. Idong, Brgy. Ligue, Brgy. Tambac, Brgy. Wawa, at Brgy. Zone I.

Nais bigyang-diin ng ahensya na ang mobile assistance na ito para sa delayed registration of birth ay walang bayad.