May 800 volunteer workers ng 77 barangays ng Bayambang ang nakatanggap ng amelioration benefits noong December 17 mula sa pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna ni Governor Ramon ‘Mon-Mon’ Guico III, Vice-Governor Mark Lambino, Board Members ng 3rd District na sina Engr. Vici Ventanilla at Dr. Sheila Baniqued. Ginanap ang distribusyon sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park. Kabilang sa mga tumanggap ng amelioration fund na nagkakahalaga ng P2,000 bawat isa ang 570 BHWs, 77 BSPOs, 77 BNSs, at 76 CDWs ng Bayambang.