LGU Employees, Nagpatalbugan sa Kanilang Halloween Transformation

Nabalot ang Events Center ng katata-kyut-tan, katuwaan, at kahusayan sa pagsuot ng mga costume ng mga kawani ng gobyerno sa ginanap na 2022 LGU Halloween Party noong October 28, matapos ang tagtuyot sa higit dalawang taong pandemya.

 

Sa pag-oorganisa ng Municipal Administrator’s Office, Legal Office, MTICAO, at BPRAT, naging panauhing pandangal at hurado sa event na ito sina Snow White, este, ang First Lady ng Pangasinan pala, na si Madame Ma-an Guico, at kanyang kapatid na si Malea Zamalea.

 

Ang nanguna sa cosplay event ay walang iba kundi si Mayor Niña Jose-Quiambao, na cute na cute sa kanyang all-pink costume na mukhang inspired by the anime Cardcaptor Sakura, kasama sina Vice-Mayor Ian Camille Sabangan na nag-ala-vampire, Municipal Councilors, at department at unit heads sa pamumuno ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, na nag-ala-engkantada, kasama rin ang kanilang mga chikiting, na di rin nagpahuli — talagang outfit kung outfit.

 

Para sa main event, ang Halloween Costume Contest, ibinida ng mga kalahok ang kani-kanilang mga nakakagulat na costume na nakamamangha rin dahil sa pagiging malikhain ng pagkakagawa.

 

Sambit ni Mayor Niña, “Ako’y natutuwa dahil ang mga Bayambangueño ay tunay na malikhain. Nilampasan pa nila ang aking expectations!”

Ang lahat ay nagsihiyawan nang isa-isang rumampa sa stage ang mga contestants. Mayroong kapre (na may higanteng tabako pa), may pugot-ulo, may Maleficent, may Spirit stalker mula sa pelikulang “Dark Crystal,” at may nagkunwaring bangkay sa ataul, complete with entourage. Mapapalpitate ka talaga sabay bunghalit sa katatawa, dahil mayroon pang nagcostume ng used sanitary napkin at may nag-interpret ng bagong Internet phenomenon na ‘ghosting.’ (Maging sa audience ay may mukhang bondying na Barney pa.)

 

Sa huli ay tinanghal na winner ang to-the-highest-level na kinareer na zombie costume at video production ni Manuel Tamayo ng MTICAO, na siyang nag-uwi ng tumataginting na P50,000 cash.

 

Nakatanggap naman ng consolation prize na tig-5,000 ang mga napili ng mga hurado sa Top 10 Costumes, at P500 naman sa lahat ng nag-effort.

Bilang parte ng kasiyahan, naging kabado ang lahat ng dumalo sa pa-raffle draw ni Mayor Niña ng mga grocery packs, 10 e-fans, 10 rice cookers, 1 washing machine, 1 cell phone, at 1 android TV.

 

Samantala, para makumpleto ang katakut-takot na kaganapan, may mga parlor games para sa mga ibang dumalo na LGU employees, kaya’t dumagundong ang venue sa kanilang aktibong partisipasyon.

 

Patok din sa event na ito ang pacontest sa nakakanerbyos na pagkain ng Shake, Rattle, and Roll-themed food na isaw, kwek-kwek, Betamax (smoked pork blood), Adidas (paa ng manok), helmet (grilled ulo ng manok), dinuguan, at iba pa.

 

Tunay na kahindik-hindik in a nice way ang ‘di makakalimutang 2022 LGU Halloween party, dahil muli na namang nabuhay ang espiritu ng kagalakan mula sa matagal na pagkakahimlay.