Mga Kumpiskadong Muffler, Pinitpit ng Pison

Sama-samang pinitpit ng pison ang naipong kumpiskadong illegal mufflers ng PNP mula sa mga may-ari ng motorsiklo na lumalabag sa batas, partikular na ang Muffler Act of 2016 at ang Municipal Ordinance No. 5, s. 2016.

 

Sa isang ceremonial smashing na ginanap sa harap ng Munisipyo, binigyag-diin ni Mayor Niña Quiambao na seryoso ang administrasyon sa pagpuksa ng mga illegal muffler na nagdudulot ng perwisyong ingay sa mga residente.

 

Naroon bilang pagsuporta si Sangguniang Bayan Committee Chairman on Transportation, Councilor Martin Terrado II, Councilor Amory Junio, at PNP-Bayambang OIC Chief Rommel Bagsic.