Hinakot ng mga rice farmers ng District 4 kasama ang kanilang assigned technician at Rice Focal Person sa Municipal Agriculture Office ang paunang 60 bags ng 20 kg na NSIC Rc160 rice seeds na para sa 30 ektaryang sakahan para sa dry season 2022-2023.
Ang batch ng palay na ito ay nagmula sa DA-RFO1, Sta. Barbara, Pangasinan, sa ilalim ng National Rice Program ng DA na isang regular annual program.