“Dugong Alay, Dugtong Buhay” | Jose H. Yuchongtian Masonic Lodge No. 354 & R1MC Blood Drive

Sa pakikipagtulungan sa Lokal na Pamahalaan ng Bayambang sa pamumuno ni Mayor Niña Jose-Quiambao at pakikipag-ugnayan ng coordinator na si Coun. Benjie de Vera, nagsawa ng blood donation drive ang Jose H. Yuchongtian Masonic Lodge No. 354 ngayong araw, Oktubre 18, sa Balon Bayambang Events Center.

 

Ayon kay Emergency Medical Technician (EMT) Mavie Esguerra, 28 taon nang isinasagawa ng organisasyon ang ganitong blood donation drive sa iba’t ibang parte ng bansa, at dito sa Pangasinan ay naki-partner sila sa Region 1 Medical Center upang makatulong sa mga kababayang nangangailangan ng dugo.

 

Bago makapag-donate ang mga blood donors ay dumaan muna sila sa screening upang masigurong pasok sila sa mga kailangang requirements upang makapag-donate tulad ng pagkakaroon ng minimum na anim na oras na tulog at 50 kilos pataas na timbang. Pagkatapos naman ay mayroong pagkain na nakahanda para sa kanila na handog ng Lokal na Pamahalaan.

 

Ang mga ganitong aktibidad ay nagpapatunay na hindi lamang mga mayroong kapa ang matatawag na mga bayani, kundi pati na ang mga taong handang tumulong sa iba sa pamamagitan ng pagdo-donate ng kanilang dugo.