Nakipagpulong si Mayor Niña Jose-Quiambao sa mga opisyal ng Bayambang Water District (BayWad) noong ika-25 ng Oktubre sa Mayor’s Conference Room upang bigyang-linaw ang mga hinaing ng mga Bayambangueño patungkol sa serbisyong ibinibigay ng BayWad.
Kabilang sa mga malimit na reklamo a ng pagdaloy ng tubig na mayroong amoy, hindi sapat na supply tubig, at kung minsa’y tubig na mayroong residue ng buhangin.
Ang paminsan-minsang pagkawala ng kuryente ang itinuturo ng BayWad na sanhi ng may amoy na tubig.
Kaugnay nito ay agad namang nakiusap si Special Assistant to the Mayor, Dr. Cezar T. Quiambao, na agaran sanang matapos ang ginagawang water reservoir ng
BayWad upang makapagbigay ng mas malinis at sapat na tubig sa mga consumers lalo na ang mga barangay na nasa mataas na parte ng bayan, na siyang nakakaranas ng kakulangan sa supply. Sa ngayon, ang naturang reservoir ay 32% complete pa lamang, ayon sa BayWad.
Napag-usapan din sa pulong na ito ang binabalangkas na Septage at Sewerage Treatment Plan ng Bayambang na siyang magbibigay ng malaking benepisyo sa mga Bayambangueño sa oras na ito ay maisakatuparan.