Galing Pook Chairman Sarmiento, Bumisita

Mainit ang naging pagtanggap ni Mayor Niña Jose-Quiambao kasama ni Special Assistant to the Office of the Mayor, Dr. Cezar T. Quiambao, sa pagbisita ni former DILG Secretary, Hon. Mel Senen Sarmiento, noong ika-10 ng Oktubre, sa Niña’s Café, kung saan nagbigay siya ng mga payo kung papaano lalong mapapaunlad ang Lokal na Pamahalaan gamit ang best practices in governance ng iba pang LGU.

 

Sa kasalukuyan, si Sarmiento ang Chairman of the Board of Trustees ng Galing Pook Foundation at SOS Children’s Villages Philippines.

Aniya, “Kung sa eskuwela, tinuturo nating bawal mangopya, sa LGU, maaaring kumopya ng mga ginagawa ng ibang municipality, but we have to be innovative.”

 

Ipinaliwanag din niyang ang nais niyang makita sa Galing Pook Awards ay yaong mga proyekto kung saan walang pondo ang gobyerno ngunit may nagagawang makabuluhang proyekto sa tulong ng mamamayan o pribadong sektor.

 

“We are thankful to former DILG Secretary Mel Sarmiento for the advice and for sharing with us what he has been through to achieve the goals of his hometown, Calbayog City, (Northern Samar)” mensahe ng pasasalamat ni Mayor Niña.

“Sabi nga ni Atty. Raj, ‘Nothing of worth ever comes easy.’ Kaya sa lahat po ng pagdadaanan natin sa bayan ng Bayambang, sana po ay magkaisa tayo,” dagdag nito.

 

Dumalo rin sa programang ito sina Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, Vice-Mayor Ian Camille C. Sabangan, at lahat ng Municipal Councilors, LGU department heads, at kapitan ng barangay.

 

“We are hoping that after this activity, we can fully realize our potentials to do more for our municipality and be as progressive as it can be,” pahayag naman ni Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO) Royolita Rosario, na siyang naging punong abala katulong ang Bayambang Poverty Reduction Action Team.