ASA Philippines Foundation, Nagdonate ng School Supplies sa Tatarac-Apalen ES

Noong October 19, ang ASA Philippines Foundation ay nagdonate ng school supplies sa Tatarac-Apalen Elementary School, sa pakikipatulungan sa Local School Board.

 

May 355 na learners ang nakatanggap ng iba’t-ibang school supplies, vitamins at snacks mula sa Foundation. Nagdonate din ang Foundation ng limang ream ng coupon bond sa opisina ng principal.

 

Naroon sa turnover ceremony sina ASA Foundation Asst. Vice President Donjiel A. Hispano, LSB Executive Director Rolando M. Gloria, at mga staff ng LGU.

 

Malugod na tinanggap ang mga naturang donasyon nina DepEd Bayambang II PSDS, Dr. Mary Joy C. Agsalon, at Tatarac-Apalen Elementary School Principal II Laila Alonzo.