Isa na namang libreng Zumba session ang inorganisa ng HRMO sa Balon Bayambang Events Center noong September 13 bilang parte ng 122nd Anniversary ng Civil Service Commission, sa tulong ng ZumBayambang at Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc. (KKSBFI).
Sa pangunguna ni HRMO department head, Nora R. Zafra, ang lahat ng attendees mula sa LGU offices ay sumunod at sumabay sa indak at indayog ng mga Zumba instructor ng KKSBFI. And session ay dinaluhan nina Vice Mayora Ian Camille C. Sabangan at Councilor Jose ‘Boy’ Ramos.
Ang lahat ng sumaling kawani ay ay nakatanggap ng freebies, tulad ng T-shirt at energy drink.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni VM Sabangan, na “Kung mayroon tayong fit na pangangatawan at healthy na kaisipan, tayo po ay makakatrabaho ng maayos at makapagbibigay ng tapat at tunay na serbisyo sa ating mga kababayan.”
Sambit naman ni Coun. Jose ‘Boy’ Ramos, na game na game ding naki-Zumba, “Ang lahat ng inyong pinagpapawisan ay inyong aanihin, dahil kayo ay magiging healthy habambuhay.”
[smartslider3 slider=2361]