Committee Hearing, Isinagawa ng SB ukol sa Panukalang Ordinansa ng 3 Barangay

Sa unang araw ng Setyembre, ginanap ang pampublikong pandinig ukol sa panukalang ordinansa na balak ipatupad ng tatlong barangay sa kani-kanilang nasasakupan: ang Ecological Waste Management at ang iba pang concerns ng mga barangay tulad ng Ordinance on Gossiping (sa Bongato East), Official Seal (sa Langiran) at Stray Animals (sa Tococ East).

 

Pinangunahan ang Committee Hearing nina Coun. Amory Junio bilang SB Committee Chairman on Rules, Laws, Ordinances and Privileges at Liga ng mga Barangay President Rodelito Bautista bilang Committee Chairman on Barangay Affairs, kasama sina Coun. Martin Terrado II, Coun. Mylvin ‘Boying’ Junio, Coun. Jose ‘Boy’ Ramos, at Sangguniang Kabataan Federation President Gabriel Tristan Fernandez. Naroon din bilang consultant sina SB Legal Officer, Atty. Czarina Martinez-de Vera, at Municipal Legal Officer, Atty. Bayani B. Brillante Jr.

 

Naroon sa Sangguniang Bayan Session Hall upang talakayin ang kani-kanilang panukala ang mga Punong Barangay ng Bongato West (Alfonso S. Bernardo), Langiran (Gerard S. Carungay), at Tococ East (Roy V. Camacho) kasama ang kani-kanilang mga Kagawad.

 

Sa huli, ang mga ito ay inabisuhang i-revise ang kanilang mga panukala dahil mayroon nang kasalukuyang ordinansa ang Munisipyo sa mga naturang isyu, ayon kay SB Secretary Joel V Camacho. Ayon naman sa mga councilors, magkakaroon sa susunod ng public hearing ukol naman sa mga gagawing rebisyon ng mga naturang barangay.

 

[smartslider3 slider=2345]