Bayambang, handa na sa pagdating ng Bagyong Gardo at Henry

Bilang paghahanda sa pagdating ng Bagyong Gardo at Super Typhoon Henry, nag-inspeksyon ng mga evacuation center ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council nitong August 31, 2022.

 

Ulat ni MDRRM Officer Genevieve U. Benebe, handa na ang mga pangunahing pangangailangan sa mga evacuation center katulad ng mga higaan at CR o toilet facility, kasama pa ang mga hygiene kits. Mayroon na ring mga pagkain katulad ng biscuit, delata, gatas, noodles, kape, bigas, at iba pa na nakahanda kung sakaling kailanganing lumikas doon.

 

Tinatawagan ang bawat Bayambangueño na maging handa at alerto sa pagdating ng bagyo. Bagamat hindi dapat mabahala, mahalagang siguruhin na agarang aksyon ang maihahatid ng Lokal na Pamahalaan para sa kaligtasan ng mga mamamayan ng Bayambang.

 

[smartslider3 slider=2341]