Muling nagtungo ang PhilRice sa Bayambang upang magbigay ng Retooling Course para sa lahat ng participants magkaroon ng updates kung nasaan at ano na ang kalagayan ng bawat cluster.
Noong August 30, lahat ng 14 production clusters ng RiceBIS Bayambang ay nagtipon sa isang general assembly sa San Vicente Covered Court. Dito ay nireview ni Science Research Specialist Joel Pascual ng PhilRice ang napag-aralan ng mga farmers sa pagpapalay at kung ang mga makabagong kaalamang ito ay tunay na naisasagawa sa kanilang palayan.
Naroon sa general assembly ang Municipal Agriculture Office bilang organizer, sa pagrerepresenta ni Jordan B. Junio, kasama sina Agriculture Consultant Artemio Buezon at BPRAT focal person Bernabe Mercado.
[smartslider3 slider=2335]