May 80 kabataang Bayambangueño ang tumanggap ng kanilang suweldo matapos maging benepisyaryo ng Special Program for Employment of Students (SPES) ng DOLE, sa tulong ng PESO-Bayambang. Ang mga naturang estudyante ay sumahod ng P492.25 kada araw ng pasok, kaya’t bawat isa ay nakatanggap ng P9,845 matapos ang 20 araw na pagtatrabaho sa LGU.
Base sa programang SPES, 60% ng kanilang sinahod ay manggagaling sa LGU, samantalang ang 40% naman ay magmumula sa DOLE.
Ginanap ang SPES payout sa Aguinado Room ng Balon Bayambang Events Center ngayong araw, Agosto 17.