KSB Year 5, Dinala sa Brgy. Bani

KSB Year 5, Dinala sa Brgy. Bani

Tuloy-tuloy ang pagbibigay serbisyo para sa Balon Bayambang!

Nagtungo ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan (KSB) Team sa Bani Elementary School noong Agosto 12 upang magbigay ng serbisyo para sa mga taga-Brgy. Bani, Asin, at Ligue, sa pangunguna nina Coun. Philip Dumalanta, Coun. Martin Terrado II, Coun. Amory Junio, SK Federation President Gabriel Tristan Fernandez, at ang Chief Operations Officer ng KKSBFI, Mr. Romyl Junio.

 

Labis ang kagalakan at pagpapasalamat ni ABC President at Bani Punong Barangay Rodelito Bautista sa walang humpay na serbisyong ibinibigay ng lokal na pamahalaan para sa mga Bayambangueño.

 

“Nakikita ko yung meaning ng government — government for the people, at government of the people. Hindi kami manghihinayang na magbayad ng buwis dahil kitang-kita natin na ang buwis ay ginagamit sa bayan,” pambungad na bati naman ni Bani Elementary School Principal Lamberto de Vera.

Sa kaniyang espesyal na video message naman, binigyang-diin ni Mayora Niña Jose-Quiambao ang pangakong binitiwan nila ng kaniyang asawa na si dating Mayor Cezar T. Quiambao na ipagpapatuloy nila ang pagbibigay ng Total Quality Service at tutulong sila sa abot ng kanilang makakaya upang tuluyang mapagtagumpayan ang Rebolusyon Laban sa Kahirapan.

 

[smartslider3 slider=2308]