Local NGOs, Dumalo sa CSO Conference

Kahalagahan ng Pribadong Sektor sa Pamahalaang Lokal, Idiniin sa CSO Conference

 

Nagkaroon ng isang conference para sa mga presidente ng Civil Society Organizations sa bayan ng Bayambang ngayon, August 5, sa Sanggunian Bayan Session Hall.

 

Ito ay dinaluhan ng lahat ng CSO presidents sa Bayambang sapagkat ito ay preliminary requirement para sa kanilang accreditation.

Ang CSO Conference ay isinasagawa kada-tatlong taon kasabay ng pag-upo ng mga bagong luklok na opisyal ng bayan upang mas mapaigting ang partnership sa pagitan ng LGU at mga CSOs.

 

Mahalaga ang papel ng bawat CSO para sa participatory governance kung saan nagiging kasangga sila ng lokal na pamahalaan sa pag-aassess ng pangangailangan ng mamamayan at sa pag-iimplementa ng mga programang makatutulong para sa kanila.

 

Sa pamamagitan rin nito ay mas nagiging transparent ang LGU sa publiko pagdating sa mga aktibidad nito at budget para dito, dahil nariyan ang CSOs na nakabantay bilang direktang representante ng pribadong sektor.

 

Lubos ang naging pasasalamat ni Mayor Niña Jose-Quiamabao sa walang-sawang pagtulong at pagsuporta ng mga ito sa LGU. Aniya, “Being in a CSO, you’re not paid, pero libre at kusa ang pagmamahal niyo para sa ating bayan.” … “We want Bayambang to be a proactive municipality. Kaya’t whatever comments and suggestions you want to say are very much welcome and taken into consideration,” dagdag pa nito.

 

Hinikayat naman ni Municipal Administrator, Atty. Rodellyn Rajini Sagarino-Vidad, ang bawat isa na magpatuloy sa kanilang adhikaing mas mapaunlad pa ang mga programa at proyektong kapakipakinabang para sa lahat at para sa bayan.

 

Sa naturang conference ay binigyang-diin nina DILG MLGOO Royolita Rosario, OIC MPDC Ma-lene Torio, SB Secretary Joel Camacho, at Municipal Legal Officer, Atty. Bayani Brillante, Jr. ang kahalagahan ng participatory governance, ang guideline ng LGU accreditation para sa mga CSO, iba’t ibang paraan ng partisipasyon ng CSOs, at formulation ng Local CSO Network.

“Vox populi, vox Dei,” pangwakas na mensahe naman ni Sangguniang Kabataan Federation President at SB Committee Chairman on Mass Media, Public Affairs and People’s Participation Gabriel Tristan Fernandez, bilang pagbibigay-diin sa kahalagahan ng papel ng pribadong sektor.

 

[smartslider3 slider=2296]

 

 

 

 

 

 

 

+17

 

Like

Comment

Share