Updates mula sa Treasury Office

TREASURY OFFICE ACTIVITIES FOR THE MONTH OF JULY 2022

Real Property Tax Section:

Patuloy ang Tax Information Campaign ng Treasury Office sa iba’t-ibang barangay, at kabilang sa mga barangay na nabigyan ng Tax Bill ngayong buwan ng July 2022 ay Brgy. Pantol, Bical Sur, Bical Norte, Tanolong, Amancosiling Sur, Malioer, Bani, Langiran, Malimpec, Alinggan, Ligue, Telbang, Buayaen, Maigpa, at Batangcaoa. Sa tulong ng mga barangay officials, laking pasasalamat ng mga Treasury staff lalung-lalo na sa mga Barangay Health Workers (BHWs) na walang sawang umiikot at sumasama sa tax campaign. Ipinapaliwanag ng team sa mga taxpayers kung bakit kailangang magbayad ng buwis at kung paano nga ba nakikinabang ang taumbayan sa bawat sentimong kanilang ibinabayad. Kaya naman masusing hinihikayat ang mga barangay officials na makipagtulungan sa Treasury upang matulungan ang kanilang mga nasasakupan ukol sa usaping amilyar.

Business Permit and Licensing Section:

Tuluy-tuloy ang pagmomonitor ng Business Permit and Licensing Office sa mga establisyemento sa barangay na wala pang mga kaukulang permit. Sa buong buwan ng July 2022, natapos nilang inspeksyunin ang mga establisimyento sa Barangay Zone I, Zone III, Zone V, Zone VI, Cadre Site, M.H. Del Pilar, Malimpec, Alinggan, Poblacion Sur, Magsaysay, at Buenlag 2nd. Nabigyan din ng mga demand letter ang mga may-ari ng mga business na nag-ooperate ng walang kaukulang dokumento. Ipinapaalala naman sa mga nais magpatayo o mag-umpisa ng kanilang business na marapat na kumuha muna ng Business Permit bago mag-operate para maiwasan ang anumang problema. Maaaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng Treasury para sa mga requirements at proseso sa pagkuha ng permit.

Cattle Branding:

Ngayong buwan ng Hulyo 2022, mayroong 79 na alagang baka ang naiparehistro: Barangay Nalsian Sur – 20 baka, Inirangan – 2 baka, Manambong Parte – 6 baka, Manambong Sur – 1 baka, Bical Norte – 4 baka, Tococ West – 12 baka at Malioer – 34 baka. Sa mga livestock owners na nais magparehistro ng kanilang mga alagang baka, bukas ang tanggapan ng Treasury para sa kanilang nais na schedule.

MTOP (Motorized Tricycle Operator’s Permit)

Patuloy ang pagbibigay ng Tricycle Plates sa mga rehistradong tricycle ng iba’t-ibang TODA operators. Mayroong naitalang 1,151 na released plates sa mga rehistradong tricycle. Patuloy pa rin na hinihikayat ang mga TODA operators na magrenew ng kanilang prangkisa at Mayor’s Permit. Makipagtransact lamang sa Treasury Office.

[smartslider3 slider=2291]