Sige, Hataw Pa!
Ganadong ganado ang iba’t ibang grupo sa paghataw at pagpapapawis sa isa na namang Zumba session na ginanap sa Pavilion ng St. Vincent Ferrer Prayer Park kahapon.
Lead by example muli si Vice-Mayor Ian Camille Sabangan sa pagtutok sa wellness exercise na ito, na walang ibang mensahe kundi, nakabubuti ang laging pagiging fit para sa pamilya, para sa bayan, at ika nga, para sa ekonomiya.
Ang pag-eehersisyo nga naman tulad ng Zumba ay di lang nakakabawas ng extra calories at taba-taba, kundi nagrerelease din ng happy hormones gaya ng endorphin. (Kahit i-Google niyo pa kung ayaw maniwala.) Sino ba naman ang hindi matutuwa ‘pag nakapagburn ng mga kinaing extra rice sa saliw ng magandang choreo at latest K-Pop? Kaya’t ang lahat sana ay makisali na.
Ang mga game na game na naki-Zumba sa ZumBayambang
PNP Bayambang
POSO Bayambang
Fraternal Alliance of Bayambang
Kasama Kita sa Barangay Foundation
Xtreme Riders Club Pangasinan Inc.
Bayambang Municipal Association of NGOs led by President Vilma Dalope
Binibining Bayambang
[smartslider3 slider=2282]