KSB Team, Nagtungo sa Brgy. Maigpa
Nagbigay ng iba’t-ibang uri ng serbisyo para sa mga Bayambangueño ang team ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 5 sa Maigpa Elementary School noong July 29, kung saan ang mga residente ng barangay Maigpa, Batangcaoa, at Tanolong ang nagsilbing mga benepisyaryo.
Sa kanyang pambungad na mensahe, nagpasalamat si Principal Jaime Tamondong dahil sa pagpili sa Brgy. Maigpa bilang venue. Aniya, “We are fortunate because instead of going to the Rural Health Unit for check-ups, the fifth year of the social services for the Bayambangueños is brought nearer to the communities.”
Mainit din ang naging pagbati ni Kapitan Leodovico Soriano ng host barangay sa lahat ng dumalo.
Mensahe naman ni Vice Mayor Ian Camille Sabangan, “Ang LGU ay hindi magsasawa at mapapagod na magbigay ng serbisyo para sa inyong lahat. Sana patuloy pa rin ang pakiisa at pagtutulungan para sa ating napakagandang adhikain para sa Bayambang.”
Isang video message naman ang ipinadala ni Mayor Niña Jose-Quiambao para mga residente roon.
Nagbigay rin ng libreng gupit hatid ng KKSBFI, ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community para sa lahat.
Naroon din sa programa ang mga Municipal Councilors na sina Coun. Mylvin Junio, Coun. Gerry Flores, Coun. Amory Junio, at Coun. Martin Terrado II, SK Federation President Gabriel Tristan Fernandez, kasama si KKSBFI Chief Operations Officer Romyl Junio, at ang Rotary Club of Bayambang.
Ang Rotary Club of Bayambang ay muling namigay ng libreng meryenda para sa mga kawani ng gobyerno.
[smartslider3 slider=2281]