Leadership Training and Workshop 2022, Dinaluhan ng SK Chairpersons
Ginanap ngayong araw, July 28, ang Bayambang Sangguniang Kabataan Leadership Training and Workshop 2022 sa Balon Bayambang Events Center. Ito ay dinaluhan ng Bayambang SK Chairpersons na pinangunahan ng mga facilitators mula sa Every Nation Campus.
Sa kaniyang pambungad na mensahe, sinabi ni Mr. Johnson Abalos, Local Youth Development Officer, “The first step to solve a major problem is good leadership. Maging karapat-dapat kayo na kabataang leader.”
Layunin ng Training and Workshop na ito na lalong hasain ang leadership skills ng mga SK Chairpersons upang mas maging aktibo at epektibo silang lider ng kani-kanilang barangay.
[smartslider3 slider=2273]