Sa unang pagkakataon, nag-organisa ang Human Resource Management Office, sa pakikipag-ugnayan sa Municipal Social Welfare and Development Office, ng isang information campaign ukol sa Solo Parents’ Welfare Act para sa mga solo parents na empleyado ng munisipyo noong July 18, 2022 sa Balon Bayambang Events Center. Naging resource speaker si Social Welfare Officer II Edwina Castro Masi ng DSWD Region I, at kanyang tinalakay ang mga mandatong nakapaloob sa RA 8972, kabilang ang full rights, benefits at privileges ng mga solo parents. May 67 solo parents ang dumalo sa nasabing lecture. Dumalo rin sa programa sina Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, MSWD Officer Kimberly Basco, at HRM Officer Nora Zafra.
[smartslider3 slider=2245]