Public Hearing ukol sa Flexi-Time Sked ng LGU Employees

Noong July 18, isang public hearing ang idinaos sa SB Session Hall ukol sa posibilidad ng pag-adopt ng flexible work arrangements para sa mga LGU employees. Ito ay pinangunahan ni Coun. Benjie de Vera kasama sina SB Secretary Joel Camacho at SK Federation Pres. Gabriel Tristan Fernandez, alinsunod sa CSC Memorandum No. 6, s. 2022 kung saan mula sa limang araw na pasok ay magiging apat na araw o mas mababa pa ang magiging opisyal na working days ng isang empleyado basta’t mabubuo pa rin nito ang 40 oras sa isang linggo na itinakdang pagseserbisyo. Layunin nito na madagdagan ang araw na iginugugol ng mga kawani sa kanilang mga pamilya at mas makatipid sa pamasahe, makaiwas sa trapiko, at mas mapahaba ang kanilang araw ng pahinga.

[smartslider3 slider=2242]