MDRRMO, Nag-Information Drive para sa National Disaster Resilience Month

Nagpamahagi ng information-education campaign (IEC) materials ang MDRRMO sa 77 barangays at 64 public at private schools bilang pakikiisa sa National Disaster Resilience Month ngayong buwan ng Hulyo. Ito ay upang magkaroon ng kamalayan ang bawat Bayambangueño sa National Disaster Resilience Month na ipinagdiriwang taun-taon. Kasabay ng pamamahagi ng IEC materials ay ang monitoring ng mga early warning bells na ibinahagi noong nakaraang taon sa 77 barangays. Layunin nito na masiguradong handa at ligtas ang lahat ng barangay kasama ng kanilang nasasakupan kung sakaling magkaroon ng sakuna at kalamidad. Ang taong 2022 ay may temang “Sambayanang Pilipino, Nagkakaisa tungo sa Katatagan at Maunlad na Kinabukasan.”

[smartslider3 slider=2214]