Noong July 8, binuksan ang pagdiriwang ng Nutrition Month 2022 sa pamamagitan ng isang cooking showdown sa Pavilion ng St. Vincent Ferrer Prayer Park, sa pangunguna ng Nutrition Office at Nutrition Committee Technical Working Group ng LGU. Dito ay nagtagisan ng galing sa pagluluto ang mga pamilyang miyembro ng 4Ps mula sa siyam na distrito. Kanilang ipinakita ang iba’t-ibang malikhaing paghahanda ng pagkain gamit ang mga local ingredients sa sagana sa sustansya para sa kalusugan ng pamilya.
[smartslider3 slider=2211]